Yeng On The Mission: The course of my life... changed.
Normal naman ako dati… Gigising, kakain, magbibihis ng magagandang damit, tutugtog, kakanta… may mga taong makikilala galing sa iba’t ibang lugar… makakalimutan din pero di ko sinasadya makakalimutin talaga ako kaya sinubukan ko ngang uminom ng “ginko biloba”… heheh… uuwi… matutulog… Gigising ulit, kakain, magbibihis ng magandang damit, tutugtog, KAKANTA…. makakalimot nanaman sa mga taong makikilala, makakalimutin kase… uuwi… matutulog… Gigising ulit at alam mo na ang mga susunod… minsan may extra pasyal pa pag pwede… Pag may problema tatakas ng bansa magtatago sa Hong Kong, maglalakad lakad sa mga eskinita nila at kakain ng street food… Tapos uuwi ng manila parang walang nangyare, parang walang problema… Gigising, kakain… at alam mo na ang mga susunod….
Parang siklo… bilog… walang katapusan… wala ring saysay… iiyak mag-isa sa kwarto… paglabas wala ng luha inubos na sa unan at kumot…. Parang siklo… bilog… walang katapusan… wala ring saysay…
Parati akong may di maipaliwanag na lungkot kahit meron na ako ng lahat… magagadang gadget… makukulit na kaibigan… aircon na kwarto at sandata kong ipod… natupad na ang pangarap… pero parang kong lumulutang lang…
Nag-iba ang lahat….
ng makilala ko Sya…
nagkaroon ng rason ang pag-awit…nagkaron ng rason ang pag-gising…
Akala ko dati para sakin ang pag-kanta ko… mali…
Merong entablado… merong ilaw… merong salita… pero anong pipiliin mong salita? Napaisip ako… Oo nga.. Oo nga… Para saan pa’t nilagay Nya ako sa entablado kung para lang kumanta sa hangin… Kung wala akong sasabihin…
Sa totoo lang wala na kong ibang masabi… puro paghanga nalang sa ganda ng may pakana ng lahat ng ito… Yung walang katapusang paghanga…
Naisip mo ba? Gumigising tayo sa umaga… Panibagong tyansa… Panibagong PAG-ASA….
Naisip mo ba? Nakikita mo ang pagsikat ng araw… ang ganda ng liwanag… o nabalewala mo na dahil sa pagmamadali?
Naisip mo ba? ito… mismong pag-hinga…. humihinga ka…isang pagpapala…
Naisip mo ba? Naisip mo ba? Naisip ko kase…
Sa akin…. pambihira… umiiyak na ko… marunong akong kumanta… pambihira… sumusulat pa ako ng kanta… Pero lahat galing Sakanya… pati pagkurap ng mata…
I exsist because of the one WHO made me… He is the reason for my breathing…
If I will sing only to express myself what good would that bring? Rather I want to sing because of the bursting of His GLORY inside my heart… Shining… flaming inside me… I thirst and i long to see Him… But i am still here… i am still here… but i decide to live… to breathe… to sing… for HIM… and for HIM ONLY… till that day comes… that i will see Him face to face…
Ayoko na ng siklo… ayoko na ng paikot-ikot… ayoko ng walang saysay…
“Then Jesus said, “Come to me, all of you who are weary and carry heavy burdens, and I will give you rest.” Matthew 11:28